Thursday, February 26, 2009

Mga Negosyanteng Homosexual

I. Panimula

A. Panukalang Pahayag (thesis statement)

Hindi hadlang ang kasarian sa pagkamit ng minimithing tagumpay.


B. Introduksiyon/ Paglalahad ng Suliranin



+Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga bakla na nagsimula sa hirap at nakamit ang tamis ng tagumpay.



+Ang pagiging bading ay hindi tanggap sa lipunan at hindi nabibigyan ng karapatang maipakita ang kanilang kakayahan at karunungan sa isang propesyon sapagkat sila ay agad na hinuhusgahan ng mga tao.



+Sa kasalukuyan, may ilang mga bading na rin ang nagtagumpay dahil sa kanilang sipag at tiyaga at angking galing at talento sa iba't ibang larangan.



+Marahil sila ay naging matagumpay dahil sila ay matiyaga, masipag at gustong matuto sapagkat ang kanilang unang hangarin ay makatulong sa pamilya. Dapat silang tularan dahil sila ay determinadong makamit ang kanilang pangarap sa buhay.



+Ang kanilang naging suliranin ay hindi sila katanggap- tanggap sa lipunan, madalas silang nabubugbog at walang magawa kung hindi kimkimin ang kanilang nararamdaman.




C. Rebyu ng Pagaaral



Ayon sa aming pananaliksik sa internet na may website na "pinoyexchange.com" makikita natin doon ang mga ibat-ibang kumento ng mga tagaha ng ibat-ibang programa. Kami ay nakabasa ng isang komento na galing kay delle_ever, siya ay humanga sa kwento ng buhay ni Ricky Reyes sa programang Magpakailanman ng GMA-7. Ang kwento ng buhay ni Ricky Reyes ay nagsilbing inspirasyon sa mga taong nakapanuod nito. Si Mother Ricky ay may masaganang buhay ngayon, hirap man sila noon nagsumikap siya at nagkaroon ng ambisyon na tumutulak sa kanya upang makamit niya ang kanyang mga pangarap. Sabi niya,"Habang may buhay, masipag kay, may ambisyon at naniniwala sa Diyos, ang tagumpay ay laging nakadikit saiyo." Si Mother Ricky ay isang matgumpay na "Hairdresser" na ngayon, bukal sa kanyang puso na tumulong sa mga taong nangangailangan.Para sa mga mananaliksik ang mga ganitong halimbawa ay nakakatulong at nakakapagbigay inspirasyon sa mga taong naliligaw sa kanilang landas sa buhay. Siya man ay isang bading napatunayan niya sa maraming tao na hindi lahat ng bading ay walang kuwenta at salot sa lipunan. Sana ang ganitong kwento ay nakapagbigay aral sa lahat.
Importante ba saiyo ang buhok mo? Para kay Arnel Igancio, importante ang buhok sa isang tao. Ang negosyo ni Arnelli ay ang pagawaan ng wig. May malaking problema si Arneli pagdating sa buhok. Paano ba itinayo ni Arnel Igancio ang kanyang negosyo?
Ang negosyong Hairwear ni Arneli ay idea ni Mother Ricky. Nagkasundo at naging mabuting magkaibigan sina Mother Ricky at Arnel Igancio. Ang pagtulong at pagbigay serbisyo sa nangangailangan ang ikinasasaya ng magkaibigan. Alam natin na nagmula sa kahirapan ang dalwa kaya nang matagpuan nila ang kasiyahan at yaman sa buhay, ibinahagi nila ito sa mga taong nangangailangan nito. 
 
 
 
 
 Ang ideya sa negosyo ni Arnel ay Sa tulong ni Mother Ricky reyes. Napatunayan ng mga mananaliksik na ang taong galing sa hirap ay tumutulong parin sa mga mahihirap. Hindi naging madamot o mayabang ang mga katulad nila. Napatunayan din ng mga mananaliksik na ang mga bading ay mas disiplinado at responsable sa kanilang sarili.



D. Layunin



1. Layunin nitong makapagbigay ng bagong pananaw ukol sa mga tao na kung ituring ay salot sa ating lipunan.



2. Layunin nitong magsilbing inspirasyon sa mga mambabasa na tila ba ay nawawalan na ng pag-asa. Mambabasa na homosexual o heterosexual.



3. Layuning makapagbigay aral sa mga negosyanteng nalugi na.



4. Layuning maitaas ang tingin sa mga bading at mabigyan ng pagkilala at pantay na karapatan.



5. Layuning makapag-ambag ng kaalaman sa negosyo o business management, aral sa sexuality , at sa human psychology.



E. Halaga



1. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat ito ay makakatulong upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga bagong negosyante at mga tulad ng mga Commerce Students o estudyante ng Komersiyo.



2. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat matutulungan nito ang mga bading o lesbian na mabawasan ang diskriminasyon na kanilang nararanasan o mabago ang kanilang kapalaran.



F. Konseptuwal o Teoretikal na balangkas



Ang mga bading ay nakaranas ng paghihirap dahil sila ay hindi tanggap sa lipunan, sila ay kinukutya at mababa ang tingin sa kanila, ngunit sa kanilang kagustuhang matulungan ang kanilang pamilya, sila ay nagsikap at nagtayo ng negosyo na kanila namang hilig gawin. Umangat sila sa dati nilang estado dahil sa sipag at tiyaga at ngayon sila ay umasenso sa buhay at masaya sa kung ano ang mayroon sila.

G. Metodolohiya
 
Sa pamamagitan ng personal na paginterbyu at pagkalap ng mga datos na nagmula sa iba’t- ibang babasahin ay nakakuha kami ng sapat na impormasyon upang magawa ang aming pananaliksik.


H. Saklaw o Delimitasyon


Ang sakalw ng pananaliksik na ito ay patungkol sa mga negosyanteng bakla, negosyo, kasarian, sa mga values na maaaring matutunan at idea sa pagnenegosyo lamang.


I. Daloy ng Pag-aaral
 
 Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng tatlong kabanata. Ang Kabanata I ay tinatalakay ang introduksyon ng pananaliksik. 
Dito matatagpuan ang panukalang pahayag, metodolohiya, mga layunin, at marami pang-iba. Ang Kabanata II ay binubuo ng pinagmulan ng paksa, mga datos at interbyu na ginawa ng grupo. Ang Kabanata III ay naglalaman ng mga interpretasyon ng grupo sa mga nakalap na daots at sa isinagawang pag-iinterbyu, ang konklusyon at mga rekumendasyon.

 


II. Ang kwento ng kanilang buhay( Big Panimula)
 

Ang pananalisik na ito ay tungkol sa mga bading na nanggaling sa hirap at ngayon mailalahad ang kanilang pag-unlad. Apat na kuwento ng magkakaibang buhay at pagka-tao ang tatalakayin sa pananaliksik na ito. 

Ang homoseksuwalidad ay tumutukoy sa pagnanasang seksuwal sa "kabaro" o "kadamit", o sa kaparehong kasarian: ang lalaki sa kapwa lalaki, o kaya ang babae sa kapwa babae). Kinasasangkutan ito ng pakikipagtalik sa kapwang katulad ng kasarian. Tinatawag na mga homosekswal o homoseksuwal ang mga taong may ganitong uri ng katauhan at katangian.[2] Kabilang dito ang isang bakla o isang lalaking parang babae kung kumilos; at ang tomboy, isang babaeng kumikilos na parang lalaki. Tinatawag ding binabae, silahis, o biniboy ang isang bakla o lalaking homoseksuwal; samantalang tinatawag din namang binalaki, binalalaki, at lesbya ang isang tomboy o babaeng homosekswal.

Sa Kabanatang ito nakapaloob ang tungkol; sa nakamit na tagumpay na nakamit ni Allan J. Quilantang o kilala sa tawag na Allan K. at sa kanyang mga negosyo. Nakalahad dito ang ilang impormasyon kung paano nagsimula si Allan K. sa pagnenegosyo, kung ano ang naging batayan at inspirasyon niya upang pasukin ang mundo ng pagnenegosyo; sa buhay ni Dennis Jimenez o kilala sa pangalang “ Dana Santiago”. Sa kabanatang ito nakalahad ang kanyang naging problema sa kanyang negosyo, isa na doon ang kanyang kasarian. Dito niya isiniwalat niya ang kanyang sikreto upang maging matagumpay na negosyante sa larangan ng pananahi at pagdedesenyo ng damit; sa makulay na buhay ni Tanya Mendoza, hindi lamang isa o dalawa ang kanyang negosyo. Apat na negosyo ang kanyang pinapatakbo ng mag-isa. Isa lamang siya sa libu-libong bakla sa buong mundo ang may ganitong kakayahan at sapat na kaalaman sa pagne-negosyo at sa buhay ni Joel de Leon na may-ari ng isang F
lower Shop.

B. Ang pagkilala.... (Small Katawan)

Kilala natin si Allan J. Quilantang o Allan K. bilang isang komedyante at host ng noontime show na “Eat Bulaga” at primetime show na “All Star K” subalit ang hindi alam ng kanyang mga taga-pagsubaybay ay nakapagtapos siya ng Accounting. Siya ay degree holder sa West Negros College at sa kasalukuyan isa na siyang matagumpay na negosyante bilang may-ari ng apat na comedy bars: KLOWNZ, sa Quezon Ave. , ZIRKOH, sa Timog sa Greenhills; at sa BARRACKZ, sa Tomas Morato. Nagsimula sa Allan K. na mag-negosyo noong 2001 kung saan ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maging isa sa mga kasosyo sa bagong bar na dati ay Sam’s Diner sa Quezon Ave. Subalit sa halip na ilaan lamang niya ang nalalaman sa showbiz business para sa marketing purposes ay nagdesisyon siya na umupa ng lugar mula sa dating may-ari ng bar ay nagtayo siya ng kanyang sariling bar, na ngayon ay KLOWNZ.
 
Sa tulong ni Onak Reyes na isang production designer ng Eat Bulaga ay nabago nila ang anyo ng bar. Ang pagpasok sa ganitong negosyo ay isang lohikal na hakbang para sa isang tao na naging komedyante simula pa noong 1984.
 Ang kanyang paliwang, “ I believe kasi na kung gusto mong pumasok sa isang business, it has to be something that you understand well. Eto yung alam ko eh. All my life nasa bar ako, kumakanta ako. Alam ko patakbuhin. Alam ko kung ano ang gusto ng tao at kung ano ang ayaw nila. Actually, lahat ng naipon kong experience sa pagkanta, pagpatawa at pagpeperform, binuhos ko lahat at saka pikit mata kong binuksan ang negosyong ito". Sa loob ng anim na taon o higit pa bilang negosyante. Natuto si Allan na sumabay sa daloy ng kanyang negosyo. Kahit na isisnara na niya ang dalawang branch ng KLOWNZ dahil hindi masyadong kumikita. nagtayo ulit siya ng bagong mapagkakakitaan: garments " In preparation for old age" sambit ni Allan. " Iba naman yung Business na hindi na hindim ko kailangan magpuyat".
 
Ang pangalawang kuwento ay tungkol naman kay Dennis Jimenez Santiago ngunit mas gingamit niya ang pangalang Dana Santiago. Si Dana ay 46 taong gulang na. Nakatira siya sa Manila. Marami siyang pinagkakakitaan. Sa umaga pumupunta siya ng National library. Nakatapos kasi si Dana ng BS Psychology sa University of the Philippines, kaya kapag umaga nagtatrabaho siya gamit ang kanyang propesyon. Pagkatapos noon, pupunta siya ng Divisoria para mamili ng mga tela na gagamitin naman niya sa kanyang negosyo na Dress Shop. nagsimula ang negosyo niya sampung taon na ang nakakalipas. Matagal tagal na rin. Ayon sa kanya “Napili ko ang negosyong ito dahil nakahiligan ko. Well, actually ang nanay ko ay isang teacher ng dressmaking then ang tatay ko naman ay may business na tailoring shop, so hindi nakakapagtaka kung bakit ko ito nakahiligan.” Kahit na malayo sa pinagaralan ko ang negosyo ko, ito talaga ang gusto ko. Ang location ng negosyo ni Dana ay sa may kamuning. Ang negosyo niya ang simple lang, may mga sapat na mananahi at magatatabas. Meron din siyang tagalinis. Ang mga customer niya ay kalimitan mga taga bangko. Siya ang tumatahi ng mga uniforms ng mga ito. kabilang sa mga bangko sy BPI, Bangko de oro, Metrobank at marami pang iba. Nagtatahi siya ng damit from formal to casual. Gumagamit siya dati ng advertisement para makilala siya pero ayon sa kanya, masaya na siya sa kung anumang meron siya ngayon. Nagsimula ako sa maliit na kapital. “Importante kasi na kapag pumasok ka sa negosyong ito, kelangan mo ng mananahi at syempre makina. Kailangan mo magpundar sa business mo.”pagpapatuloy. Ang income ni Dana ay umaabot na ng 100,000 pataas, sapat na daw para tustusan ang kaniyang mga pangangailangan. “Sulit naman pero minsan iisipin mo marami ring mga gastos. For example, pagmalaki ang kita mo, syempre malaki din ang gastusin mo dahil malaki rin ang pagkonsumo mo halimbawa sa kuryente, pero yung kita mo kumbaga sapat at tama lang para sa kailangan mo, konting bisyo, konting luho.” aniya.

Ayon sa kanya, may mga pagkakataon na nakaka-encounter siya ng problema pero buong puso niyang hinaharap yun. Nagkakaproblema siya sa kanyang mga tao na yung iba kailangan na lang pakisamahan. Syempre dapat ididistansiya mo rin ang sarili mo kung sino ka roon sa kanila. Pwede mo silang biru-biruin o chika chikahin pero kailangan alam din nila kung sino ang amo. Hindi ako nag-aral kung paano magtayo ng business pero habang tumatagal natututo ako. Alam ko kung ano ang mga dapat kong iwasan.”Nagtanong ang grupo ng rekomendasyon sa kaniya, at ito ang ilan sa kanyang mga sinabi “ Ang rekomendasyon ko sa mga taong gustong pumasok sa ganitong business, syempre dapat may puso sila sa lahat ng gagawin nila. Kagaya ko, kaya ko gusto yun dahil mahilig talaga ako sa pagdedesign ng damit at gusto ko talaga ito.” Diin pa niya. “ Buong puso ko talagang hinarap ang negosyo ko. Kasi kunware umaalis ang aking mga mananahi ako ang gumagawa. Ang paliwanag niya sa grupo “Iba’t iba ang ugali ng tao hindi mo alam o wala ka ngang alam sa negosyong iyon, mahihirapan ka. Syempre ikaw ang magpapatakbo nito. Paano mo ihahandle ang negosyo, kung ikaw mismo hindi mo alam ang mga ginagawa mo. Kasi kunware kapag nawalan ka ng tauhan mo, at least hindi mo ito iindahin dahil alam mo naman kung paano ito sinasagawa. Yung mga bagay na ginagawa niya ay mas alam mo kaya kahit wala sila ok lang. “ pagpapatuloy ni Dana.May balak pa daw siyang palaguin ang business niya. Ipinaliwanag pa niya lahat tayo may iba’t ibang happiness. Kung masaya ka na doon, ok pero minsan mas sumasaya ka kapag may nagagawa ka na mas bago sa ginagawa mo.

“Noong bata ako ramdam ko ang diskriminasyon dahil nga bading ako pero hindi ito naging hadlang sa pagpapatakbo sa gusto ko. Nasurvive ko na ang mga pangungutya noon na “BAKLA BAKLA” na lagi sinasabi sa akin habang dumadaan ako. Para ba talagang salot kami. Napatunayan ko naman sa kanila na hindi hanggang doon lang. Kagaya ngayon, masasabi ko na masaya ako kasi umunlad ako. Masipag akong tao. Talagang naniniwala akong sipag ang susi sa pag-unlad. Alam ko rin kung ano ang tama at mali. Alam ko ang limitasyon ko (kunware sa pakikipagrelasyon sa lalaki). Alam kong hindi pwedeng maging pantay ang pagtingin sayo at alam ko yun. Iba ang mga babae sa amin. Hindi mo dapat pinipilit ang isang bagay na malabo o hindi maaaring mangyari. Ang pinakamahalaga kasi, kailangan alam ng tao kung ano ang kanyang kinalalagyan. Syempre kapag lumabas ka na sa teritoryo mo mahirap na iyon, doon magkakaroon ng problema. Pero pag alam mo kung ano ka, doon ka dapat lumagay.” Ito ang mga huling katagang kanyang sinabi sa amin. Naging malinaw naman sa lahat ang buhay ni Dana, mula sa pagiging mahirap, sa naranasang pangungutya ng mga tao dahil sa kanyang kasarian hanggang sa kanyang pag-unlad.

Si Joel de Leon ay isang Psychology Graduate na ngayon ay may-ari na ng Flower shop. Ayon sa kay Joel nagsimula ang kanyang negosyo dahil sa kanyang kaibigan. Naki-usap sa kaniya ang kanyang kaibagan na kung maaari ay siya ang mag-arrange ng mga bulaklak. Simula noon ay nakahiligan na niya ito. Ayon rin sa kaniya ay nagkaroon din siya ng mga problema na minarapat ng grupo na huwag ng alamin dahil masyado daw madami kung iisa-isahin pa.Halimbawa ng lang ang Financial Problem.


III. Ang Katapusan.... ( Big Pangwakas)

A. Ang paglalahad (Small Pang-wakas)

Nakalahad sa report na ito ang ilang impormasyon na makakatulong sa lahat upang mas lalong maunawaan kung patungkol saan ang nagawang pananaliksik. Nakasaad dito kung sino ang naging pangunahing paksa bilang halimbawa. Ang dating estado ng kanilang buhay, mga suliranin, mga karanasan na nagdulot ng maganda, mga payo na maaaring pulutan ng aral.
 

B. Konklusyon
 
Natutunan ng grupo sa pananaliksik na ito ang tagumpay ay makakamit ng isang tao sa pamamagitan ng pagiging matiyaga, masipag, mapagpursigi, may katatagan ng loob at may dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa. 

Sumasang-ayon ang grupo sa thesis statement sapagkat wala namang kinalaman ang kasarian sa ikatatagumpay ng isang negosyo. Ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong kapalaran kung nais mo bang magtagumpay. Hindi ibig sabihin na kung bading ka ay wala ka nang silbi sa lipunan. Hindi dapat sila ituring na salot, at maliitin sapagkat hindi lahat ng bading ay tamad at malandi, mayroon baklang masisipag at gustong tumulong sa kanilang pamilya. Nagtatagumpay ang tao kung may paniniwala sa Diyos at tiwala sa sarili.

 

C. Rekomendasyon
 
Iminumungkahi ng grupo na bigyang pansin ang mga kalakasan at karangalang taglay ng mga pangunahing paksa sa halip na ibaba sila. Patuloy na tangkilikin ang kanilang mga negosyo. Hayaan silang mamuhay ng normal at huwag kalimutang tao din sila na may puso at damdamin.

Mga Mananaliksik

Gilyn Balbido

Ana Marie Alino

Alycca Mariel Ong

Jean Chaila Cstillo

Kenneth Rodulfo

2 comments:

  1. This is a very unprofessional and unethical study. I am quite levid that my name and business was dragged in this study without my full knowledge.

    When you the collective group of college students interviewed me, you never told me that this is a study about homosexual. In the first place you did not even asked if I am or not. But you unethically assumed that I am.

    You told me the interview is about the difficulties on running a business and you missed out the very important aspect of your study which is having a business as HOMOSEXUAL.

    You especifically told me that the interview is only for a study as a part of your course requirement. While you publicly posed the paper, without my permission and worst I am not privy to the premise of your study.

    I have copy this blog and will seek appropriate measure not just in your school but by law if my name is not strike out and removed from this paper.

    This study is ill researched, inconclusive and unethical.

    ReplyDelete
  2. I'm Sonja McDonell, 23, Swiss Airlines Stewardess With 13 cities overseas, very tender with lots of fantasies also in my wonderful job. We lesbian girls have cells at & in our sensible body parts, which so called normal girl don't have. These cells become active in the early puberty & they can never be erased. Write me please, when you agree with me.
    With love
    sonjamcdonell@yahoo.com

    ReplyDelete